^

Probinsiya

2 Tsino chemist natagpuang patay... Bilyong shabu laboratory ni-raid

-

BULACAN , Philippines  – Nagsilbing susi ang masangsang na amoy ng dalawang Tsino chemist para madiskubre ang pinakamalaking shabu laboratory na maaring maka­gawa ng bilyung-bilyong ba­wal na droga sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa liblib na bahagi ng Sitio Bagi, Barangay Calumpang, sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa police report, lumilitaw na nasa state of decomposition na ang dalawang bang­kay na bineberipika ang pag­kikilanlan matapos matisod sa makitid na tunnel ng sha­bu laboratory.

Pinaniniwalaan namang may ilang araw ng patay ang dalawa bago nakuha at maiahon bandang alas-5 ng umaga kahapon.

Napag-alamang ipinagbi­gay-alam ng mga sibilyan sa tropa ng 1st Scout Ranger Com­pany ng Philippine Army sa pamumuno ni General Noel Coballes na nagsasa­ga­wa ng rescue at relief operation ng bagyong Ondoy ang masangsang na amoy kaya nadiskubre ang shabu lab.

Ayon pa sa ulat, nasa limang ektaryang lupain na pag-aari ng isang Juliet Gon­zales at inupahan naman ng mga Tsino na sinasabing pagtatayuan ng piggery farm.

Sa report ni Major Ferdi­nand Marcelino ng PDEA Special Enforcement Service   kay Senior Usec. Director Gen. Dionisio Santiago, maituturing na pinakamalaki ang nadiskubreng shabu lab na may 15 talampakang tunnel at may 50 metrong haba kung saan ginawang front ang palikuran sa loob ng ba­hay bago pa makapasok sa tunnel.

Narekober sa nabanggit na lugar ang kotseng Toyota Corolla na may plakang WEK-824 na sinasabing nakarehistro sa pangalang Yao Min Hung alyas Benson Chua ng Sta. Cruz, Manila.

Kabilang sa mga gamit na nasamsam ay isang satellite disc, ilang makina sa pag­ga­wa ng shabu, mga boteng si­sidlan ng mga kemikal at mga dokumento na nakasu­lat ang mga pangalan ng ilang personalidad na sinusu­playan ng bawal na droga. 

Samantala, sumasailalim naman sa tactical interro­gation ang tatlong Tsino ka­bilang ang isang bata na sinasabing nasa bisinidad ng tunnel nang salakayin ng mga awtoridad ang nabang­git na laboratoryo. Boy Cruz, Angie dela Cruz at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY CALUMPANG

BENSON CHUA

BOY CRUZ

CRUZ

DIONISIO SANTIAGO

GENERAL NOEL COBALLES

SHY

TSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with