52 nadale ng diarrhea sa Bulacan
MANILA, Philippines - Limampu’t dalawang sibilyan ang iniulat na tinamaan ng diarrhea sa bayan ng Ma rilao, Bulacan matapos manalasa ang bagyong Ondoy noong nakalipas na linggo.
Ito ang nabatid kahapon matapos ang isinagawang pagbisita ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa bayan ng Marilao, ang pinakagrabeng sinalanta ng bagyong Ondoy.
Sa panayam, sinabi ni Marilao Mayor Efipanio Guillermo, taliwas sa napaulat na bawat barangay ay tinamaan ng diarrhea ay 52 lamang ang kanilang naitala at dalawa dito ay na-dehydrate bunsod upang maratay sa ospital.
Nabatid na ang Barangay Luma Degato ay nakaligtas sa lupit ni “Ondoy kung saan hindi nakaligtas ang 16 na barangay sa flashflood.
Si Teodoro, kasama ang AFP medical team ay sinamahan ni AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado sa isinagawang medical mission sa Brgy. Abangan Sur at Brgy. Lambakin sa bayan ng Marilao.
Kaugnay nito, inatasan ni Sec. Teodoro ang mga opisyal ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) na makipagkoordinasyon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan upang ihanap ng relocation site ang mga 160 pamilya na karamihan ay naninirahan malapit sa Marilao River. Joy Cantos
- Latest
- Trending