^

Probinsiya

12 katao dedo sa landslide

- Andy Zapata, Artemio Dumlao -

ITOGON, Benguet, Philippines — Na­paaga ang salubong ni kamatayan sa labinda­la­wang sibilyan kabilang na ang tatlong bata maka­raang matabunan ng gu­mu­hong putik sa magkahi­walay na tra­hedyang naga­nap sa pananalasa ng bag­yong Pe­peng sa Benguet kamaka­lawa at kahapon ng mada­ling-araw.

Kabilang sa na-retrieved na mga bangkay mula sa mudslide sa Sitio Manganese sa Barangay Ampu­cao, Itogon, Benguet kaha­pon ng madaling-araw ay ang mga minerong sina Ernesto Gabayni ng Man­kayan; Alex Cadasa Ru­fino, 21, ng Apayao; ang da­lawa na bineberipika pa ang pagkikilanlan habang ang tatlong bata naman ay na­kilalang sina: Jeric Cadasa, 10; Jonie Cadasa, 8 at si Lanoy Cadasa, 12.

Sa ulat ng hepe ng Cordillera police regional operations na si P/Senior Supt. Ramil Saculles, lumi­litaw na natutulog ang pitong biktima sa pansa­mantalang quarters nang gumuho ang putik mula sa kabundukang ba­hagi ng minahan.

Napag-alamang bago nanalasa ang bagyong Pe­peng, binalaan na ni Ben­guet Governor Nes­tor Fong­wan ang mga mi­nero na lu­mayo sa ina­bandonang mi­nahan sa ilang bahagi ng Benguet para maiwasan ang tra­hedya na naunang naga­nap kung saan kumitil ng maraming buhay.

Samantala, natabunan nang buhay ang limang miyembro ng pamilya ng minero habang natutulog sa bahay ni Ernesto Gabay noong Sabado ng gabi ma­tapos mag-landslide sa Sitio Busi, Barangay Bec­kel sa bayan ng La Trini­dad, Benguet.

Pawang mga nasawi sina Catalina Tabora, La­ruan Tabora, Zenia Tabora-Galvey, Rustom Galvey at si Baby Daphne na nare­kober ng mga rescue team may ilang oras matapos ang mudslide.

Kasunod nito, hima­ lang na-rescue nang buhay si Aldrin Gabor sa Barangay Ba­kakeng sa Baguio City. Dag­dag ulat ni Ricky Tulipat

ALDRIN GABOR

ALEX CADASA RU

BABY DAPHNE

BAGUIO CITY

BARANGAY AMPU

BARANGAY BA

BARANGAY BEC

BENGUET

CATALINA TABORA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with