Ex-pulis, 1 pa nilikida

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang retiradong sarhento ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa sa bayan ng Santol, La Union. Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina (ret.) SPO3 Leonardo Blanza ng Brgy. Bulbulala, Balaon at Efren Kahutay ng Brgy. Manggaan na nasa bayan ng Santol. Batay sa ulat ng La Union PNP na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang pananambang sa kahabaan ng highway sa Barangay Butubut Su bandang alas -7 ng gabi. Kasalukuyang lulan ng motorsiklo ang mga biktima mula sa inuman sa kanugnog na barangay nang tamba­ngan ng armadong kalalakihan. Joy Cantos

Show comments