Ginang kinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines– Isang 22-anyos na maybahay na si Rachel Homo ang brutal na pinaslang ng hindi pa na­kikilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa Ba­rangay Ginangan, Ma­gallanes, Sorsogon ka­makalawa ng gabi.

Nag­tamo ng 23 tama ng taga ng patalim sa katawan si Homo at halos maputol ang kanyang kamay sa ginawa sa kanya ng sa­larin.

Na­ngingisda sa laot ang asa­wa ni Homo nang pasla­ngin ito. Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo ng krimen. (Ed Casulla)

Show comments