CAVITE , Philippines — Pinaniniwalaang napagtripang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na estudyante ng mga ‘di-pa kilalang kalakihan sa bisinidad ng Congressional Road sa Barangay Virat, General Mariano Alvarez, Cavite, kahapon ng madaling-araw.
Napuruhan sa katawan si Jeffrey Ominga ng Barangay Gregoria De Jesus.
Sa police report, lumilitaw na naglalakad ang biktima nang lapitan at ratratin ng mga kalalakihang sakay ng ku lay pulang kotse na sinasabing mga lango sa bawal na droga. Cristina Timbang