Mga bomba, granada nahukay
NUEVA ECIJA, Philippines – Labing-isang sinaunang granada at tatlong vintage bombs ang narekober ng mga miyembro ng Trees for Life Center noong Lunes sa kabundukan ng Mount Amat, Barangay Puncan, sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.
Ayon kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, ang mga bomba ay kinabibilangan ng 2-cartridge ng 81mm mortar, 76mm projectile tith broken fuse, at 11-pirasong Japan-type fragmentation grenade.
Naunang iniulat sa pulisya ni Roy Manuzon, pangulo ng Trees for Life Center, na nadiskubre nila ang mga bomba habang sila ay nagtatanim ng punungkahoy kasama ang ilang government units. Dinala ang mga bomba at granada sa Fort Magsaysay sa Palayan City. Christian Ryan Sta. Ana
- Latest
- Trending