^

Probinsiya

P30-milyong ari-arian sinunog ng NPA

-

BONTOC, Mt. Province , Philippines  – Tinatayang aabot sa P30 milyon halaga ng ari-arian ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army noong Martes ng umaga sa Ba­rangay Malitep sa Bontoc, Mt. Province.

Ayon sa ulat, lumilitaw na pinasok ng mga armadong kalalakihan ang construction firm ni Romeo U. Aquino saka ikinulong ang mga kawani kung saan sinilaban ang anim na concrete transit mixers at tatlong backhoe na bahagi ng 90 heavy equipment unit na ginagamit sa road rehabilitation projects sa Mt. Province.

Pinaniniwalaan namang maantala ang pagtatapos ng road project sa Disyembre ng 7-kilometer package 5 ng SONA Projects’ Baguio-Bontoc Road (Halsema Highway). 

Kabilang sa mga pro­yektong natatapos na sana ay ang 7 kilometer road concreting projects at isa pang road concreting project (packages 1,2,3) sa kahabaan ng Bon­toc-Tinglayan (Kalinga) highway na magkakasabay na sinimulan. “We might be delayed because employees are afraid to work, definitely, we will not finish it on time,” dagdag pa ni Engr. Aquino “They wanted revolutionary taxes,” pahayag ni Engr. Romeo Aquino, kung saan nakatanggap ng liham mula sa iba’t ibang NPA command. Artemio Dumlao

AQUINO

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BAGUIO-BONTOC ROAD

BONTOC

HALSEMA HIGHWAY

MT. PROVINCE

NEW PEOPLE

ROMEO AQUINO

ROMEO U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with