CAMP SIMEON OLA, Le gazpi City , Philippines – Nagwakas ang kinabukasan ng isang 9-anyos na nene makaraang malunod sa swimming pool sa Tierra Solidad Resort sa Purok 1, Barangay Camambugan sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Idineklarang patay sa Santisima Trinidad Hospital si Eprilyn Grande Grade 4 sa Tacad Elementary School at nakatira sa Purok 3, Brgy. Tacad, Basud, Camarines Norte.
Base sa police report, lumilitaw na ang biktima ay kasama ng kanyang mga magulang para sa selebrasyon ng Family Day ng Day Care subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalunod matapos na tumalon sa swimming pool. Ed Casulla