Bulacan flashflood: 17 na dedo

MALOLOS CITY, Bula­can, Philippines – Umaabot na sa 17-katao ang iniulat na nasawi sanhi ng flashflood sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan makaraang manalasa ang bagyong Ondoy kamakalawa.

Kaugnay nito, idineklara ni Governor Joselito Men­doza na walang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Bulacan ngayon mula elementarya hanggang kolehiyo.

 “This is the worst flood that we have in years as far as casualty is concerned,” ani Mendoza sa mga du­malo sa isinagawang briefing ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga bik­timang nasawi na nakilala ay sina Abet San Pedro, Roberto Pacao, Erick Portugal ng Bocaue; Angelica Arajo, Benjamin Juliano ng Bustos; Ramon Denistosa, Fortunato Saturnino, at Faustino Policarpio ng Mey­cauayan City; at si Rodel Casino ng Gui­guinto.

Walo pang biktima ang sinasabing kumpirmadong namatay sa bayan ng Ma­rilao, ngunit ayon sa ilang opisyal na maaaring uma­bot sa 30 ang nasawi.

Napag-alamang na­apek­tuhan ng flashflood ang NorthVille IV sa Brgy. Lambakin, Marilao kung saan ginawang relocation ng mga residente mula sa gilid ng riles ng Philippine National Railways.

Inatasan ni Mendoza ang mga kawani ng kapi­tolyo at ilang munisipalidad na magsipasok upang ma­katulong sa relief at rescue mission sa kanilang isina­sagawa.

Umaabot naman sa 13,576 pamilya (44,178 ka­tao) ang naapektuhan ng tubig-baha mula sa 118 ba­rangay sa 22 bayan at lung­sod sa Bulacan.

Kabilang sa naapek­tuhang mga bayan ay ang Bulakan, Hagonoy, Oban­do, Paombong, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, San Rafael, San Miguel, Donya Remedios Trinidad, Angat, Norzagaray, Sta. Maria, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Bus­tos, at mga lungsod ng Ma­lolos, Meycauayan, at San Jose Del Monte. Dino Balabo at Boy Cruz

Show comments