BACOLOD, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya at militar ang itinuturing na top leader ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon sa Sitio Canalum, Barangay Nangka sa Bayawan City, Negros Oriental noong Miyerkules . Si Arturo Moleta, 54, na sinasabing kalihim ng Komiteng Larangan Southwest-Negros (KLSW) at wanted sa mga kasong rebelyon, attempted at frustrated murder ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng Himamaylan Regional Trial Court, Candoni at Ilog Municipal Trial Court. May nakabimbin ring warrant of arrest sa kasong robbery-in-band si Moleta na isinasangkot din sa pambobomba ng dalawang Globe Telecom cell site sa Cauayan at Sipalay, Negros Occidental at miyembro rin ng Roger Mahinay Command. Antonieta Lopez at Joy Cantos