Guro utas sa ambus

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na guro ang iniulat na nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang misis nito makaraang tambangan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Sunga Hospital si Marlon Gamboa habang isinasalba naman sa Gonzales Hospital sa Digos City si Marie Jane Gamboa, 39, na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at kapwa guro sa Hagonoy National High School. Sa police report ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang sa bisinidad ng national highway ng Brgy. Guihing kung saan lulan ng Toyota Avanza ang mag-asawa. Pinaniniwalaang alitan sa negosyo ang isa sa motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon. Joy Cantos

Show comments