Baliw kapag lasing... misis inatado ni mister

MANILA, Philippines - Binurdahan ng saksak hanggang mamatay ng isang 36-anyos na mister ang misis nito habang kriti­kal ang anak sa Brgy. Ba­tiano, Mambusao, Capiz, kamakalawa.

Ang biktimang si Marilyn Lapso ay dead-on-the spot, habang kritikal ang anak na si Rosely, matapos na pag­sasaksakin ng suspek na si Rodelio Lapso, alyas Ka­gang at pawang naninira­han sa naturang lugar.

Sa report ng pulisya, da­kong alas-8 ng gabi ng ma­ganap ang insidente nang madatnan ng suspek ang kanyang mag-ina na natu­tu­log kung saan agad nitong pinagsasaksak.

Ang suspek ay may diprensiya umano sa pag-iisip sa tuwing ito ay mala­lasing kaya iniwan ito ng mga biktima ilang araw bago maganap ang insi­dente. Una na rin nagtang­kang magpakamatay ang suspek ngunit naawat lang ng mga kapitbahay nito.

Patuloy naman iniim­bes­tigahan ng pulisya ang insidente. (Joy Cantos)

Show comments