Bigotilyong rapist dinakma
BULACAN, Philippines — Kalaboso ang isang 28-anyos na bigotilyong traysikel drayber na sinasabing nanghalay sa isang 13-anyos na estudyanteng babae makaraang maaresto ng pulisya kahapon sa Barangay Catmon sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang suspek na si Jeoffrey Verzosa. Base sa police report, ang biktima ay ni-rape noong Biyernes ng Setyembre 11 kung saan ay pinagnakawan.
Sa follow-up operation ay naaresto ng pulisya ang suspek matapos na mamukhaan ng biktima dahil sa palatandaang bigote at nunal sa mukha. Boy Cruz
- Latest
- Trending