^

Probinsiya

3 gurong bihag ng Abu na-rescue

-

MANILA, Philippines - Tatlong guro na sinasabing binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa loob ng anim na buwan ang nailigtas ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Basilan kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Supt. Abubakar Tulawie, na nakarating sa Camp Crame, magkakasabay na search and rescue operations ang inilunsad kahapon kaya nasa­gip sina Jocelyn Enriquez at Noemi Mandi sa Brgy. Bang­kuang sa Tipo-Tipo habang si Jocelyn Inion ay nailigtas naman sa Brgy. Kabangkalan, Ungkaya Pukan. Ang tatlo ay mga guro sa Bangkaw-Bangkaw Elementary School sa Naga, Zamboanga Sibugay na sinasabing dinukot noong Marso saka ipinasa sa grupo ng Abu Sayyaf na pina­ mu­munuan ni Commander Nurhasan Jamiri sa Basilan. Nauna nang nagbanta ang mga bandido na pupu­gutan ang tatlong bihag kapag nabigo ang pamilya ng mga ito na magbigay ng P10 milyong ransom. Ayon kay sa spokes­man ng ARMM na si P/Senior Supt. Danilo Bacas, nabigla ang mga kidnaper sa serye ng operasyon kaya inabandona ang nasabing mga bihag. Joy Cantos

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABUBAKAR TULAWIE

BANGKAW-BANGKAW ELEMENTARY SCHOOL

BASILAN

BRGY

CAMP CRAME

COMMANDER NURHASAN JAMIRI

DANILO BACAS

JOCELYN ENRIQUEZ

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with