5 pulis-Cagayan, suspindido

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Limang pulis na sina­sabing nagdala ng baril sa loob ng korte ang binigyan ng 11-araw na supensiyon sa Cagayan.

Kabilang sa mga nasuspin­deng pulis ay sina SPO2 Oscar Dayag, SPO1 Domingo Da­yag, kapwa nakatalaga sa Cagayan police provincial office; PO3 Reden Formoso, PO2 John Philip Salva, nakatalaga sa regional police office at si PO1 Ian Jay Malana ng Regional Police Mobile Group.

Ayon sa suspension order na ipinalabas ni P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police regional director, ang limang pulis ay lumabag sa memorandum circular # 2007-001 ng National Police Commission, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa loob ng korte. Victor Martin

Show comments