Barangay councilor itinumba

BATANGAS, Philippines — Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang barangay councilor makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng Barangay Sta. Maria sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Raul Tacaca, ang napaslang na si Anti Dimayuga, ng nabanggit na barangay.

Ayon sa police report, nakatayo sa harap ng kanyang bahay si Dimayuga nang dumating at pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo bandang alas-7 ng gabi. Inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta

Show comments