Nene dedo, 15 grabe sa road mishap

MANILA, Philippines - Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang batang babae habang aabot naman sa 15 iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang unahang gulong at bumaliktad ang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Subic Clark Tarlac Expressway  (SCTEX) bayan ng Florida­blanca, Pampanga noong Martes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Hazel Joy David habang na­isugod naman ang mga sugatan sa Bataan Peninsula Medical Center. Napag-alamng patungong Subic ang sasakyan (CSM739) ni Redentor Juico Makaeran nang maganap ang sakuna sa bahagi ng Barangay Pa­banlag. Joy Cantos

Show comments