^

Probinsiya

Nakakulong na NPA lider tinangkang i-rescue

-

MANILA, Philippines - Tinangkang i-rescue ng mga armadong kalalakihan ang lider ng New People’s Army na nakakulong ma­karaang tambangan ang convoy ng mga provincial guard mula  sa court hearing na ikinasaguat ng isang pulis escort sa bigong pag­tatangka ng mga rebelde sa kahabaan ng Maharlika Highway, Lower Binogsa­can, Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. 

Kinilala ni 9th Infantry Division Deputy Comman­der Brig. Gen. Tristan Ki­son, ang nasugatang si PO1 Rommel Aringo na na­isugod sa Aquinas University Hospital.

Napag-alamang buma­bagtas ang convoy ng mga provincial guard  na nag-eescort kay Iglicerio “Ka Choy” Pernia, pinuno ng NPA Front Committee 77 at consultant ng National Democratic Front nang maganap ang bigong rescue operation ng mga ta­uhan nito.

Ayon pa sa ulat, kata­tapos pa lamang ng court hearing sa Ligao City, Albay kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap ni Ka Choy nang ratratin ng mga rebelde ang convoy ng mga escort na pulis pagsapit sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Lo­wer Binogsacan, Guinoba­tan, Albay.

Nabatid na tinangkang agawin si Ka Choy pero nabigo ang mga armadong kalalakihan ng makipagba­rilan ang nakaalertong mga security escort.

Tumagal ang putukan ng ilang minuto hanggang sa maitaboy ang mga re­belde na mabilis na nag­sitakas kung saan naibalik naman sa piitan si Ka Choy.

Matatandaan na si Ka Choy ay nasakote ng mga intelligence operatives ng AFP sa Bulacan may dala­wang taon na ang naka­lipas. Joy Cantos

ALBAY

AQUINAS UNIVERSITY HOSPITAL

FRONT COMMITTEE

INFANTRY DIVISION DEPUTY COMMAN

JOY CANTOS

KA CHOY

MAHARLIKA HIGHWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with