'Shabu queen' dinakma

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng isang may sa palos na 39-anyos na babae na sinasabing shabu queen  sa Southern Negros makaraang maaresto ng pulisya sa buy-bust operation sa Kabankalan City, Negros Occidental kama­kalawa ng hapon. Kinilala ni P/Inspector Rico San­totome Jr., spokesman ng Negros Occidental police office, ang sus­pek na si Maria Sol Llema ng Brgy. Hilamunan sa Kabankalan City. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, nagpang­gap na bibili ng shabu ang poseur-buyer na pulis sa suspek kung saan akmang iaabot na ang bawal na droga ay agad itong inaresto. Hindi na naka­palag ang suspek kung saan nakumpiskahan ng tatlong plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000. Joy Cantos

Show comments