P.5 milyon nalimas sa pawnshop

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.5 milyong halaga ng ma alahas at cash ang iniulat na natangay ng mga ’di pa kilalang kala­lakihan matapos looban ang pawnshop sa Brgy. Pob­lacion, Nabas, Aklan kamakalawa. Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, dakong alas-6:45 ng umaga nang madiskubre ng pulisya na nilooban ang Alo Universal Pawnshop sa nabanggit na barangay. Naga­wang makapasok ng mga kawatan sa nasabing pawnshop matapos wasakin ang tatlong padlock ng harapan at likurang bahagi ng establisyemento. Tinangay ang safety vault ng pawnshop na naglalaman ng cash at mga alahas kung saan narekober naman ang vault na walang laman sa may 50 kilometro ang layo mula sa highway ng Barangay Union. Joy Cantos

Show comments