P.4 milyon holdap sa banko

LEGAZPI CITY, Philippines – Tinatayang aabot sa P.4 milyon cash ang nalimas ng dalawang maskaradong kalalakihan makaraang pasukin ang Sorsogon Provincial Cooperative Development Bank kamakalawa ng hapon sa Barangay Pito sa Sorsogon City. Base sa police report, bandang ala-1:35 ng hapon nang looban at disarmahan ng dalawang nagpanggap na customer ang nag-iisang security guard. Bukod sa nakulimbat na malaking halaga ay tinangay pa ng mga holdaper ang ilang celpone ng mga kawani ng banko. Hindi na nakapalag ang drayber ng traysikel na si Gilberty Dino matapos gawing gate­away kung saan bumaba sa harapan ng motor shop sa Rizal Street. Ed Casulla

Show comments