MANILA, Philippines - Nilooban ng tatlong armadong lalaki na umano’y miyembro ng bank robbery/ holdup gang ang isang bangko sa Cabadbaran, Agusan del Norte kamakalawa.
Naganap ang panghoholdap sa Peoples Bank dakong alas 10:45 ng umaga sa naturang lugar, kung saan bigla na lang dumating dito ang mga suspek na nagpanggap na kliyente ng bangko.
Mabilis na nagdeklara ng holdap ang mga suspect at inatasan ang teller na ilagay sa bag ang hindi pa ma determinang halaga ng salapi at mga tseke. Ilang minuto lang ay agad na tumakas ang mga suspek lulan ng kulay asul na motorsiklong XRM patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Habang ikinulong ng mga suspek ang mga empleyado sa loob ng bangko, Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad dito. (Joy Cantos)