Mister nahulog mula 3rd floor, dedo

HERMOSA, Bataan, Philippines – Basag ang bungo ng isang 28 anyos na lalaki matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang gusali ha­bang nagkakabit ng tarpulin sa Barangay Burgos Soli­man, Hermosa, Bataan ka­makalawa ng tanghali.           

Ang biktima ay kinilala ni Bataan Provincial Police Director P/Sr.Supt. Manuel Gaerlan na si Louie Barros, 28 anyos, may-asawa ng Barangay San Pedro, Her­mosa.    

Sinasabing dakong alas-12:45 ng tanghali nagtungo ang biktima sa tuktok ng Pacifico Building sa natu­rang Barangay para ikabit ang nasabing streamer nang mahawakan niya ang isang talop na kawad ng kuryente.           

Nanginig ang katawan ng biktima at saka nahulog pa­ibaba sa konkretong se­mento.         

Basag ang bungo ng biktima nang tumama ang ulo sa semento saka mabilis na dinala sa Rotary Clinic sa Orani ng mga nakasaksi subali’t idineklarang ng doktor na tumingin dito dead- on arrival ang biktima. (Jonie Capalaran)

Show comments