3 drug dealer timbog

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.2 milyong shabu ang nasamsam ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong big time shabu dealer sa isinagawang drug bust operation sa Cebu City kamakalawa.

Batay sa report ng Cebu City Police, aabot sa 200 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Jamal Salic alyas Paloma, 23, taga Marawi City; Aslia Musa alyas Rhea, 22, ng Marawi City, Lanao del Sur; at Jabig Mauga, 20 ng Camiguin Island.

Nakuha kay Salic ang 100 gramo ng shabu sa loob ng Apartelle de Arcenas at sumunod namang nasakote si Jamal na nakunan ng karagdagan pang 100 pang gramo ng shabu. (Joy Cantos)

Show comments