^

Probinsiya

4 na anak nilunod ng ina, todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat na magkakapatid ang nalunod at nasawi nang ihagis sila ng kanilang ina sa malalim na bahagi ng isang ilog sa Calatrava, Negros Occidental nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina Floramae Jean Ba­ hinag, 12-anyos; mga ka­patid na sina Joselenio, 6; Veronica, 5; at John, siyam na buwang gulang.

Batay sa report ng Negros Occidental Provincial Police Office, dakong alas-8:30 ng umaga nang magpaalam ang ginang na si Florencia Bahinag, 35-anyos, sa asa­wang si Her­miniano na pu­punta sa ilog kasama ang apat na paslit nilang mga anak sa Sitio Manganese, Barangay Cambayaba sa naturang mu­nisipalidad.

Gayunman, makalipas ang dalawang oras, buma­lik ang ginang sa bahay at sinabi sa kanyang asawa na nalunod ang kanilang mga anak sa ilog.

Agad namang nagtungo sa ilog ang mister subali’t patay na nang datnan nito ang mga bata.

Inamin naman ng gi­nang na inihagis niya ang bunsong anak saka pina­talon sa ilog ang tatlo pang bata upang maligo na ang mga ito.

Sinasabing may dipe­ren­sya sa pag-iisip ang ginang matapos isilang ang kanilang bunso.

Kalaboso naman nga­yon sa Calatrava Police Station ang ginang na na­haharap sa kasong krimi­nal.

vuukle comment

APAT

BARANGAY CAMBAYABA

BATAY

CALATRAVA POLICE STATION

FLORAMAE JEAN BA

FLORENCIA BAHINAG

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

SITIO MANGANESE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with