^

Probinsiya

Nene napariwara dahil sa sorbetes

-

MANILA, Philippines - Isang tatlong taong gulang na batang babae ang napariwara nang gahasain siya ng isang sorbetero kapalit ng sorbetes na inialok sa kanya nito sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Nadakip naman at na­ha­ha­rap sa kasong act of lasciviousness ang suspek na si Ri­chel de Guzman, 30 -anyos, ng Sitio Udyungan, Ba­ran­gay Macabud ng nasabing bayan. Ang biktima ay itinago na­man sa alyas na Lilet, naninirahan naman sa Sub-Urban Village, Barangay San Jose. Batay sa report ng Rod­riguez Police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali matapos na maglako ng ice cream ang nasabing sorbetero na napadaan sa tapat ng bahay ng biktima na noo’y masayang naglalaro. Tinawag umano ng suspek ang bata na pinangakuang bibigyan ng sorbetes basta’t sumama lamang ito sa kaniya. Bunga ng kamusmusan at pagkatakam sa paboritong sorbetes ay sumama naman ang bata sa suspek kung saan dinala ito sa isang tagong lugar. Sa pahayag ng ina ng biktima, may nagsumbong sa kanya na  kalaro ng bata na habang nasa kubling lugar ang kanyang anak at suspek ay hinubaran ng tindero ang biktima at pagkaraan ay pinaghahawakan ang maseselang bahagi ng katawan nito. (Rose Tesoro at Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN JOSE

BATAY

BUNGA

GUZMAN

ISANG

JOY CANTOS

LILET

ROSE TESORO

SHY

SUB-URBAN VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with