^

Probinsiya

Pagsuko ni Yamashita ginunita

-

KIANGAN, Ifugao, Philippines — Nag­tipun-tipon kama­ka­lawa ang mga nabubuhay pang beterano ng giyera sa Cordillera at mga residente ng Ifugao para gunitain ang ika-64th anibersaryo sa pagsuko ng mga sunda­long hapon sa pangunguna ni Japanese Imperial Army Gen. Tomoyuki Yamashita na sumakop noon sa ating bansa.

Batay sa kasaysayan, si Yamashita na binan­sagang Tiger of Malaya at pinuno Japanese imperial forces na sumakop sa mga bansa ng Southeast Asia kabilang ang Pilipinas ay sumuko sa gusali ng home economics sa Ki­angan Central School noong Setyembre 2, 1945.

Ito ay matapos na ma­tun­ton ng mga katutubong Ifugao at mga sundalong Amerikano sa mga ku­webang pinagtata­guan sa kagubatan na mata­tag­puan sa pagitan ng Hung­duan, Tinoc at Ki­a­ ngan, Ifu­gao na mas kilala sa kasa­lukuyan bilang million dollar hill dahil sa dami ng mga bom­ba at bala na nag­pasuko sa mga sundalong Hapon.

Ibinaba si Yamashita sa maliit na gusali sa Kiangan kung saan nakatayo ngayon ang Kiangan Central School at dito niya isinuko ang kanyang mga tauhan, armas at bandila ng Japan bago di­nala kina­bukasan (Setyem­bre 03, 1945) sa Camp John Hay sa Baguio City para lagdaan ang dokumento kaugnay sa ka­nilang pagsuko.

“Ang pagsuko ni Yama­shita ay simbolo ng aspiras­yon ng mga Pilipino sa kala­yaan. Ito ang simula ng pag­balik ng demokrasya sa ban­sa kaya hindi lang dito sa Cordillera ito dapat ipagdiwang kundi sa buong bansa na rin,” pahayag ni Alejandro Puguon, 86, district commander ng Ifugao district ng Veterans Federation of the Philippines.

Ayon naman kay Gual­terio Adalim, VFP regional vice president ng Cordillera Administrative Region, ang pagsuko ni Yamashita ang nag­­bigay ng katapusan ng digmaan at tagumpay sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay laban sa mga Hapon kaya na­rarapat lamang na ipagdi­wang ang September 2 bilang national Victory Day.

Maging ang provincial government sa pama­ma­gitan ng provincial board ay nagpasa na rin ng mga resolutions na humihiling sa Malacañang na gawing national Victory Day ang September 2. (Victor Martin)

ALEJANDRO PUGUON

BAGUIO CITY

CAMP JOHN HAY

CENTRAL SCHOOL

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

IFUGAO

SHY

VICTORY DAY

YAMASHITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with