^

Probinsiya

Lasing pinugutan

-

MANILA, Philippines - Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang lasing na mister matapos itong pagtata­gain at pugutan pa ng ulo ng kanyang mortal na kaaway na pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu sa Mata­nao, Davao del Sur kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ni Davao del Sur Provincial Police Office Director Sr. Supt. Roland de la Rosa ang biktima na si Alex­ander Lopez, 30 anyos, resi­dente ng Barangay Sinawilan, Matanao. Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek na tinukoy lamang sa alyas Raul. Nabatid na ginawa pang bola ang ulo ng biktima na binitbit ni Raul saka inihagis nito sa masukal na bahagi ng nasabing lugar. Pauwi na galing sa isang inuman si Lopez nang maka­salubong nito ang suspek na may bitbit na matalim na itak. Walang habas na pi­nag­tataga ng suspek ang bik­tima na siya nitong agarang ikinasawi kung saan ‘di pa nakuntento ay pinugutan pa nito ng ulo si Lopez. Pinaniniwalaan namang personal na galit sa lumang alitan ang motibo ng krimen ha­bang patuloy ang imbes­tigasyon sa kasong ito at pinag­hahanap na rin ang suspect. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEX

BARANGAY SINAWILAN

DAVAO

JOY CANTOS

KINILALA

LOPEZ

MALAGIM

RAUL

SHY

SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with