Karnaper, tulak itinumba

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Tinambangan at napatay ng motorcycle-riding gunmen ang magkaibigang sakay din ng motorsiklo sa harap mismo ng cathedral sa Quezon Boulevard, Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang dalawa na sina Paul Escueta, 20; at Jonathan Kumaladang, 22, kapwa resi­dente ng Alim Street. Napag-alamang si Escueta na sinasabing kalalabas pa lamang sa provincial jail ay isina­sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo ha­bang si K­uma­ladang naman ay pinaniniwalaang sangkot sa pagtutulak ng bawal na droga. Sina Escueta at Kumaladang na isina­sang­kot sa iba’t ibang kasong kriminal ang naitalang ika-13 at 14 na napaslang simula noong Enero 2009. Malu Manar

Show comments