BATANGAS CITY, Philippines – Pormal na inilunsad ang lokal na bersyon ng TV Patrol ng giant network ABS-CBN ngayon araw (August 31) kaalinsabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Ayon kay Woodrow Francia, TV-10 Batangas station manager, handa nang maghain ng pinakamaiinit na balita sa Region 4 ang TV Patrol Southern Tagalog para sa mga kapamilya sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon kabilang na ang mga kababayan sa Mimaropa o Mindoro, Marinduque, Romblon at sa Palawan.
“Malinaw na mapapanood na ang TV Patrol Southern Tagalog tuwing Lunes hang gang Biyernes sa ganap na alas-5:20 hanggang 5:50 ng hapon sa TV-24 Lucena, TV- 46 San Pablo, TV-11 San Jose (Occ. Mindoro), TV- 40 Jala Jala (Rizal) at TV-10 Batangas para sa balitang pang-political, public service, cultural, entertainment news at iba pa, ” ani Francia.
Kabilang din sa ilulunsad ng TV Patrol-Southern Tagalog ay ang Kalusugan Patrol, isang medical at dental mission na ginaganap sa Bgy. Dalahican sa Lucena City, para pagsilbihan ang may 500 maralitang pasyente.
Dadalo rin sa nasabing okasyon sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Batangas City Mayor Eddie Dimacuha, ABS-CBN RNG (Regional Network Group) Luzon Cluster Head Atty. Abigail Querubin-Aquino at RNG News Head & ANC Anchor Stanley Palisada.
Ipapakilala rin sa programa ang newsteam na sina Sarita Kare ng Bicol at mga homegrown talents tulad nina Joan Panopio ng San Pascual, Batangas at Tina Ganzon ng Ibaan, Batangas.
Ilulunsad din ang “Boto Mo, Ipatrol Mo: Ako ang Simula” sa Lyceum University of the Philippines-Batangas at sa Quezon Capitol Grounds sa Lucena City para maghikayat sa publiko na magrehistro at maging ba hagi ng layuning pagbabago sa darating na 2010 national election.
Magsasagawa din ng motorcade sa mga kalye ng Batangas City bago ang pagbabasbas ng ABS-CBN Batangas studio sa Philam Life Building, Hilltop Avenue, Batangas City. Arnell Ozaeta