^

Probinsiya

TV Patrol Southern Tagalog inilunsad

-

BATANGAS CITY, Philippines – Por­mal na inilunsad ang lokal na bersyon ng TV Patrol ng giant network ABS-CBN ngayon araw (August 31) ka­alinsabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Woodrow Fran­cia, TV-10 Batangas station ma­nager, handa nang mag­hain ng pinakamaiinit na ba­lita sa Region 4 ang TV Patrol Southern Tagalog para sa mga ka­pamilya sa Cavite, Laguna, Ba­tangas, Rizal at Quezon kabi­lang na ang mga kababayan sa Mima­ropa o Mindoro, Marindu­que, Romblon at sa Palawan.

“Malinaw na mapapa­nood na ang TV Patrol Southern Ta­galog tuwing Lunes hang­ gang Biyernes sa ganap na alas-5:20 hanggang 5:50 ng hapon sa TV-24 Lucena, TV- 46 San Pablo, TV-11 San Jose (Occ. Mindoro), TV- 40 Jala Jala (Ri­zal) at TV-10 Batangas para sa balitang pang-political, public service, cultural, entertainment news at iba pa, ” ani Francia.

Kabilang din sa ilulunsad ng TV Patrol-Southern Tagalog ay ang Kalusugan Patrol, isang medical at dental mission na ginaganap sa Bgy. Da­lahican sa Lucena City, para pagsilbihan ang may 500 ma­ralitang pasyente.

Dadalo rin sa nasabing okasyon sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Ba­tangas City Mayor Eddie Dimacuha, ABS-CBN RNG (Regional Network Group) Luzon Cluster Head Atty. Abi­gail Querubin-Aquino at RNG News Head & ANC Anchor Stanley Palisada.

Ipapakilala rin sa pro­grama ang newsteam na sina Sarita Kare ng Bicol at mga homegrown talents tulad nina Joan Panopio ng San Pascual, Batangas at Tina Ganzon ng Ibaan, Ba­tangas.

Ilulunsad din ang “Boto Mo, Ipatrol Mo: Ako ang Simula” sa Lyceum University of the Philippines-Ba­tangas at sa Que­zon Capitol Grounds sa Luce­na City para maghikayat sa publiko na magrehistro at ma­ging ba­ hagi ng layuning pag­babago sa darating na 2010 national election.

Magsasagawa din ng motorcade sa mga kalye ng Ba­tangas City bago ang pagba­basbas ng ABS-CBN Ba­tangas studio sa Philam Life Building, Hilltop Avenue, Ba­tangas City. Arnell Ozaeta

ANCHOR STANLEY PALISADA

ARNELL OZAETA

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BOTO MO

CAPITOL GROUNDS

CITY MAYOR EDDIE DIMACUHA

HILLTOP AVENUE

IPATROL MO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with