Cell phone ng guro ninakaw ng sariling estudyante

OBANDO, Bulacan, Philippines — Isang 21-anyos na estud­yante ng Obando National High School sa bayang ito na si Er­mesto S. San Mi­guel ang ina­resto ng pu­lisya dahil sa pag­nanakaw umano niya sa da­lawang mamahaling cell phone ng guro niyang si Mary Jane Roxas Martinez, 23-anyos, ka­ makalawa ng umaga.    

Ayon sa pulisya, nag­sa­sagawa ng flag cere­mony ang mga guro at estudyante ng na­turang eskuwelahan nang big­lang umalis si San Miguel sa kanyang pila at pumasok sa kanyang silid-aralan.    

Kinuha umano ni San Mi­guel sa loob ng bag ni Martinez ang dalawang Sony Erricson na cell phone ng biktima na nagkaka­halaga ng P11,600 bago tumakas.    

Kasalukuyan pang ina­alam ng mga namumuno sa paaralang ito kung bakit na­gawa ng suspek ang pagna­kawan ang sariling guro. (Boy Cruz)

Show comments