Lolo nag-viagra, todas

MANILA, Philippines - Isang matandang lalaki na sinasabing uminom ng viagra (sildenafil citrate) para makipagtalik sa ka­samang babae ang iniulat na nasawi sa loob ng ku­warto ng sikat na motel sa kahabaan ng General Ma­xilom Ext. sa Barangay Careta, Cebu City, Cebu ka­hapon ng madaling-araw.

Ang biktima na ipina­tago ng pamilya nito sa pangalang Lolo Isko ng Brgy. Sambag II ay nadis­kubre ng mga roomboy sa loob ng kuwarto.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, lumilitaw na pasado alas-9 ng gabi nang mag-check-in sa hotel ang biktima kasama ang magandang babae.

Sa pahayag ng guwar­diya sa motel ay namataan niyang humahangos ang na­sabing babae na su­makay ng taxi palayo kaya kaagad niyang ipinagbi­gay-alam sa mga chambermaid ng motel upang ala­min ang kuwarto ng ma­tanda.

Narekober ng pulisya sa lugar ang ilang kapsula  at limang tabletas na sina­sa­bing viagra na ininom ng ma­tanda para pampagana sa pa­kikipagtalik.

Show comments