Kinalasan ng syota, nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 48-anyos na kati­ wala ang pagkalas ng kanyang syota kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Calamba City, Laguna kama­kalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas 10:30 ng umaga nang matagpuang na­kabitin si Isagani Pantua sa loob ng kanyang kuwarto sa Lake View Subd. sa Brgy. Bukal.

Huling namataang buhay ang bik­ tima na nakikipagtalo sa kanyang syota na sinasabing kumalas sa kanilang relasyon noong Linggo ng gabi. (Joy Cantos)


Show comments