^

Probinsiya

5 konsehal sinuspinde

-

BATAAN , Philippines   – Nilagdaan na kahapon ni Bataan Governor En­rique Garcia Jr. ang 60- araw na suspension order laban sa limang konse­hal ng bayan ng Bagac ma­ta­pos na irekomenda ng mga miyembro ng Sanggu­niang Panlalawigan kaug­nay sa reklamo ng al­kalde.

Inatasan ng gobernador ang local na sangay ng Department of Interior and Local Government sa pamu­muno ni Es­piridion Calara na isilbe ang sus­pension order laban kina Councilor Noel del Rosario, Merce­dita Arellano, Daniel Ban­zon, Larry Banatugan at Councilor Guillermo Mendoza Jr.

Ang pagkakasuspinde sa mga konsehal ay bunsod ng reklamo ni Bagac Mayor Ra­mil del Rosario kaugnay sa hindi pagtupad ng kani­lang tungkulin, pagmamala­bis ng kanilang posisyon at gross misconduct.

Isa sa mga reklamo ni Mayor del Rosario ay ang hindi pag-aaproba ng 2009 annual budget ng munisipyo kung saan hindi nakatang­gap ng suweldo ang 200 kawani na nasa job order sa loob ng walong buwan.

Nagkasundo naman ang mga miyembro ng Sang­gu­ niang Panlalawigan na ireko­menda ang suspension order kay Gov. Garcia kung saan nilagdaan. (Jonie Capalaran)


BAGAC MAYOR RA

BATAAN GOVERNOR EN

COUNCILOR GUILLERMO MENDOZA JR.

COUNCILOR NOEL

DANIEL BAN

GARCIA JR.

JONIE CAPALARAN

LARRY BANATUGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with