1,000 residente nakauwi

MANILA, Philippines - Nagsimula nang makauwi sa kanilang mga tahanan ang tinatayang 1,000 residente kaugnay ng pagkubkob ng 40 miyembro ng Moro National Liberation Front breakaway group sa Mantangule Island, Balabac, Palawan na naitaboy ng tropa ng militar sa serye ng eng­kuwentro na ikinasawi ng 10 sa mga rebelde. Ayon kay AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner, umpisa kahapon ng umaga ay nagsiuwi na ang mga residente sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments