Sundalo sa rape isinuko
MANILA, Philippines - Isinuko ng commander ng 36th Infantry Battalion ng Philippine Army na si Lt. Col. Dennis Gamad ang tauhan niyang si Pfc. Adrian Capondag sa mga awtoridad nang mabalitaan niyang naakusahan ang huli ng panggagahasa sa isang 15-anyos na high school student sa Barobo, Surigao del Sur. Ito ang nabatid kahapon kay Armed Forces of the Philippines-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na nagsabing pinaimbestiga han na rin ni Gamad ang insidente at dinala sa lokal na himpilan ng pulisya si Capondag. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending