59-katao tiklo sa jueteng

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Aabot sa 59-katao na sina­sabing mga kubrador, kabo sa sugal na jueteng ang inaresto ng mga awtoridad kahapon ng tanghali sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay SPO1 Villa­nue­va ng Criminal Investigation and Detection Group, sina­lakay ng Task Force Maverick ng CIDG sa Camp Cra­me sa pamumuno ni P/Senior insp. Gilbert Braga, ang bolahan ng jueteng sa ba­yan ng Solano at Bayom­bong kung saan ginaga­wang front ang Meridien Vista Gaming Corp. 

Sa panig naman ng Me­ridien, na legal ang kani­lang operasyon batay sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) na ipinagkaloob sa kanila.

Nauna rito, ay nagpa­labas naman ng resolus­yon ang Sangguniang Ba­yan ng So­lano sa pangu­nguna ni Vice Mayor Alex Labasan ka­ugnay sa illegal na ope­ras­yon ng Meridien dahil sa wala naman Ma­yor’s permit na ipinag­ka­loob si Mayor Philip Da­cayo. Victor Martin

Show comments