Mister grinipuhan ni misis

CAMARINES NORTE , Philippines    – Isang 30-anyos na mister na sinasabing nakialam sa pagluluto ang sinaksak at ma­lubhang nasugatan ng kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Purok 6, Barangay Pambuhan, Mercedes, Ca­marines Norte.

Kasalu­kuyang nasa Camarines Norte Provincial Hospital si Antonio Agento habang tugis naman ng pulisya ang suspek na misis si Editha Oabel Agento, 28.

Ayon sa ulat, nagtalo ang mag-asawa sa mantikang ilalagay sa kawali na paglulutuan ng karneng baboy na ihahanda sa kapistahan. Dahil sa pakikialam ng bik­tima sa pagluluto ay inundayan ito ng saksak ng kanyang misis kung saan kaagad naman tumakas. (Francis Elevado)


Show comments