^

Probinsiya

3 katao nilamon ng bangin

-

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa tatlong sibilyan makaraang mahu­log ang truck na kanilang si­nasakyan sa malalim na bangin sa Brgy. Tikala, Manolo Fortich, Bukidnon.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, kabilang sa mga nasawi ay sina Rodrigo Ditumal, Car­melita Aseñero at si Bibing Colfranco na pawang na­katira sa nasabing lala­wigan.

Ayon kay PO2 Gary Villa­nueva, naganap ang tra­hedya pasado alas-9 ng gabi kamakalawa habang sakay ng hauler truck na mi­namaneho ni Amay Es­pi­nosa, ang 50 mangga­gawa ng Del Monte Phils. na kina­bibilangan ng mga biktima.

Nabatid sa ulat na nasi­raan ng makina ang hauler truck kaya nawalan ng kontrol sa manibela si Espi­nosa kaya nagtuluy-tuloy sa bangin.

Naipit ang tatlo sa loob ng truck habang nagtamo naman ng maraming sugat ang iba pang manggagawa kung saan naisugod na­man sa ospital.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng pulisya habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa drayber. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AMAY ES

AYON

BIBING COLFRANCO

CAMP CRAME

DEL MONTE PHILS

GARY VILLA

MANOLO FORTICH

RICKY TULIPAT

RODRIGO DITUMAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with