^

Probinsiya

Motorsiklo lalagyan ng curfew

-

PANGASINAN , Philippines   – Upang mabawasan ang patuloy na paglubo ng krimen na dulot ng paggamit ng motorsiklo ng mga kriminal, nagpanukala ng ordinansa ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na ipagbawal ang mga motorsiklo simula alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling-araw sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang panukalang limitahan ang oras ng mga motorsiklo ay isinumite na ni 6th district Board Member Alfonso Bince Jr. sa Sangguniang Panlalawigan para sa committee hearing sa Agosto 28 ng umaga.

Sinalungat naman ng Pangasinan Bikers Federation Inc. ang panukala ni Binse kung saan nagsumite na sila ng position paper noong nakalipas na linggo sa SP.

Ayon sa bikers federation na ang proposed ordinance ay selective at discriminatory sa mga may-ari ng motorsiklo para mag-impose ng curfew kung saan bi­nabalewala ang ibang transportation na ginagamit din ng mga kriminal.

Inimbitahan naman ng SP secretariat ang mga re­presentante mula sa Land Tansportation Office, Commission on Human Rights, religious sector, motorcycle groups at iba pang grupo para maipaliwanag ang kani-kanilang panig sa nabanggit na panukala.


AGOSTO

AYON

BOARD MEMBER ALFONSO BINCE JR.

HUMAN RIGHTS

INIMBITAHAN

LAND TANSPORTATION OFFICE

PANGASINAN

PANGASINAN BIKERS FEDERATION INC

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with