P.5-milyong ari arian naabo
KIDAPAWAN CITY , Philippines – Dahil sa celpon charger na sinasabing nag-overheat ay kumalat ang apoy sa buong kabahayan na tumupok ng P.5 milyong ari-arian sa Pendatun Street sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon. Sa ulat ni FO2 Bernard Pacia, nagsimula ang sunog bandang alas-11 ng umaga sa bahay na pag-aari ng pamilya Hernandez Naniniwala naman ang anak ng may-ari ng bahay na si Roldan Hernandez, na nag-overheat na celpon charger na sinasabing pumalya ang ilang electrical wiring ng bahay kaya agad lumikha ng apoy na tumagal ng 30-minutong sunog. Wala naman nadamay na kabahayan at walang iniulat na nasugatan o nasawi dahil sa kaagad na rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa Kidapawan City at mga kalapit bayan ng Makilala at M’lang sa North Cotabato. Malu Manar
- Latest
- Trending