Basilan encounter: 10 Abu, 2 sundalo utas

MANILA, Philippines - Sampung bandidong Abu Sayyaf Group at da­lawang sundalo ang kum­pirmadong napatay sa wa­long oras na umaatika­bong sagupaan laban sa tropa ng militar sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kaha­pon.

Sa phone interview, kinumpirma ni Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino na sampung bangkay  ng Abu ang narekober sa encounter site.

“We retrieved at least 10 body counts, but the number of the slain bandits could go up as the clearing operations continues,” pa­hayag ni Dolorfino.

Samantala, ang iba na­man sa mga bangkay ng Abu ay nabitbit ng mga nagsitakas na kalaban, ayon sa impormasyon ng mga asset ng militar.

Bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang ma­kasagupa ng pinagsanib na puwersa ng 67th Marines Raiders Team, Army’s Light Reaction Force at Scout Rangers  ang grupo nina Abu Sayyaf Commanders Furuji Indama  at Long Masud sa Sitio Ku­relem, Brgy. Silangkum.

“Sporadic firefight continues in the area,” ayon pa sa heneral kung saan ki­numpirma nito na maliban sa sampung bangkay ng mga bandido na narekober sa clearing operations ay nakasamsam rin sila ng 13 malalakas na kalibre ng baril.

Kinumpirma rin ni Do­lorfino na nagtamo rin ng casualties sa panig ng militar bagaman hindi muna nito tinukoy kung ilan dahil may manakanakang putukan pa sa lugar ha­bang tiniyak naman ni Dolorfino na hindi kabilang ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front na naka­sagupa ng military. (Joy Cantos)

Show comments