Magbayaw kinatay sa eskwelahan

NUEVA VIZCAYA , Philippines   – Naging palaisipan sa pulisya ang pag­kakatagpo sa dalawang bangkay ng magbayaw na sinasabing pinagtataga ng ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng umaga sa harapan ng eskwelahan sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Quirino Mutiling ng Hapao, Ifugao at Resly Magulintao, barangay kagawad ng Brgy Lupa, Kasibu.

Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang magbayaw sa videoke bar sa Barangay Poblacion bago nadiskubre ang kanilang mga bangkay sa harapan ng Kasibu Elementary School.

Pansamantalang kinansela ang pasok ng mga mag-aaral matapos matakot ang mga bata sa nakitang mga bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo ng krimen. Victor Martin


Show comments