Sundalo dedo sa holdap

MANILA, Philippines - Patay agad ang sundalong si Cpl. Armand Capilitan at katabing si Ramil Villamor nang lumaban ang mga ito sa mga holdaper na umakyat sa sinasakyang bus ng una sa Pikit, North Cotabato dakong alas-11 ng umaga kahapon.

Sa report ng pulisya, sumakay ang mga suspek sa tapat ng munisipyo ng Kabacan, North Cotabato at ilang saglit pa ay nagdeklara na ng holdap.

Nasa aktong lalaban si Capilitan kaya agad na binaril ito at si Villamor. Agad naman na tumakas ang mga suspek. (Malu Manar)


Show comments