3 kidnappers, tinyente patay sa shootout
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng lokal na kidnap for ransom group at isang junior officer ng Philippine Army ang napatay matapos makaengkuwentro ng mga suspek ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Barangay Renti, North Upi, Maguindanao nitong Huwebes ng gabi.
Gayunman, ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay na kidnappers.
Binawian naman ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa North Upi Hospital ang isang tinukoy na 2nd Lt. Dayupay. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending

















