3 Pranses, 7 pa, todas

MANILA, Philippines - Tatlong turistang Pranses at pito pang katao ang nasa­ wi sa pananalasa ng bag­yong Kiko sa magkahiwalay na lugar sa Luzon, ayon sa ulat kahapon ng mga awto­ridad.

Sinabi ni Central Luzon Police Director Chief Superintendent Nilo dela Cruz na nakilala ang mga nasawing dayuhan na sina Cholet Martine, Steyleman Waler at Caillot Thierry na sinasabing naanod sa baha.

Nasawi rin ang kanilang mga Pilipinong tourist guide na sina Fidel Reyla na isang barangay tanod at Orlando Fernando. Hindi pa makilala ang dalawa pang Pilipino na residente ng Barangay Sta. Lucia at Barangay San Agus­tin.

Patuloy naman hinaha­nap ang dalawa pang dayu­hang Canadian na nawawala matapos na itaob ang sina­sakyan ng mga itong jeepney ng rumaragasang tubig baha.

Naunang naistranded ang mga biktima sa flash­flood sa kahabaan ng O’Donnel River sa Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac habang bina­ bayo ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Kiko kamakalawa ng gabi.

Sinasabing ang mga bik­ tima ay bahagi ng tatlong grupo ng mga dayuhan na nagparehistro sa Sta. Juliana Tourism Center para umak­yat sa bunganga ng Mt. Pi­natubo.

Samantala, tatlong bata na pawang magkakapatid ang nasawi matapos na malibing ng buhay nang aksidenteng matabunan ng gumuhong bundok ng lupa ang tahanan ng mga ito sa malagim na landslide sa Baguio City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Edu, 13 anyos; Mi­chael, 12 anyos; at ang bun­song si Kris, 7-anyos. Pa­wang may apelyidong Pisca.

Batay sa report, sinabi ni SPO1 Stevan Wacdangan ng Baguio City police office-Station 8, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang trahedya sa bahay ng mga bik­tima sa Camp 8 ng lung­sod.

Ayon sa National Disaster Coordinating Council, umaabot na sa 11 ang bilang ng mga taong nasawi sa pa­nanalasa sa bansa ng bag­yong Kiko. (May ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments