Duwelo: Pulis, ex-militar dedo

PANGASINAN, Philippines — Matinding alitan ang namagitan sa isang alagad ng batas at dating militar kaya kapwa natodas makaraang magbarilan noong Martes ng hapon sa Barangay Alos, Alaminos City, Pangasinan. Kapwa idineklarang patay sa Alaminos Doctors Hospital sina PO2 Edelmundo Manaois ng Sual police station; at Onofre Quitaña na sinasabing ex-militar. Na­batid na nagpaputok ng baril si Quitaña sa harap ng bahay na sinasabing kaibigan ni PO2 Manaois. Nang makaabot sa kaalam ay kinompronta ni Manaois si Quitaña hanggang sa magkabarilan ang dalawa na kapwa duguang bumulagta. Cesar Ramirez

Show comments