Barangay chairman nilikida

BATANGAS, Philippines – Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang 56-anyos na barangay chairman makaraang ratratin ng ‘di-pa kilalang kalalakihan kahapon ng umaga sa bayan ng Lemery, Batangas. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director ang biktima na si Chairman Julian Bathan ng Barangay Maigsing Dahilig, Lemery. Napag-alamang pa­pasakay ng mobile patrol si Bathan matapos duma­law sa kamag-anak sa Barangay Matinggain Uno nang pagbabarilin ng dalawang ‘di-pa kilalang kalalakihan bandang alas-8:30 ng umaga. Arnell Ozaeta 

Show comments